Andrew E

Andrew E - Ang Pasko Ay Sumapit lyrics

Verse 1:

Minimithing araw, ito'y nalalapit

Pasko at ang araw ay sumapit

Besing-busy at lahat ay masaya

Madaling araw pa lang, lahat gising na

Baket?, siyempre, simbang gabi

Kelangan bumuo siyam na gabi

At para mabuo konting tiis

Kelangang kumpleto at walang mintis,

Pero 'wag mag-alala, sarap naman di ba?

Pagkatapos ng misa, may bibingka,

Puto bumbong at saka kutsinta,

Mga ganito sa Amerika wala,

Kaya lahat ng mga taga-states ay umuuwi,

Pagdating ng Pasko, di pwedeng hindi,

Ito ang kanilang miss na miss,

Pag-uwi ng Pilipinas oh, anong tamis...

CHORUS:

Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mangagsi awit

Ng magagandang himig, dahil sa Diyos ay pag-ibig,

Ng si Kristo'y isilang may Tatlong Haring nagsidalaw

At ang bawat isa ay nag si paghandog ng tanging alay.

VERSE 2:

Gabi-gabi, may dumarating

Grupo-grupo nangangarolling

Bata't matanda kumakanta

Tinatambol ang mga lata,

Ina-awit mga Christmas songs,

Pero kung hi-tech, karaoke, sing-along

Don't get me wrong, pagdating sa aginaldo

Sa ilalim ng Christmas tree mga regalo,

Kumpleto ang buong pamilya,

Walang hihigit kung sama-sama

Kumakain ng champorado,

'Tsaka home made siopao na asado,

Nagkukwentohan, nagtatawanan,

Natutuksohan pero walang pikunan,

Nagmamahalan nagkakaisa

Pag ang Pasko ay malapit na.

Repeat Chorus:

VERSE 3:

Lahat ng magkaaway nagbabati,

Ngiti at 'di galit ang sinusukli,

Buong taon nag-i-isnaban,

Pero ngayon ay nagpapansinan,

Lalung-lalo na ang mga nagliligawan

Buong taon ay nagtatampohan,

At yon lang naman talaga ang dahilan

Ang Pasko ay pagmamahalan,

Mahalin ang kapwa, utos satin ng naglikha,

Ibinigay nya tanging anak sa atin

Para ipadama ang pag-mamahal sa atin,

Tandaan ang tanging dahilan,

Bakit ang Panginoong Hesus ay isinilang,

Para tayong lahat ay turuan,

Na tayong lahat, iisang pinanggalingan...

Repeat Chorus (2X)

Get this song at:  amazon.com sheetmusicplus.com

Share your thoughts

Comments