Acel Bisa - Tulay lyrics
Sumalok ng lupa, musmos sa kalsada
Sa ilalim ng araw, sa silong ng ulap
walang kasing saya,
walang iniisip na problema
walang kasing sarap, panahon
ng pagkabata
Tulay ng panahon, bakas ng kahapon
tulay ng panahon sino ang magdudugtong?
Tulay ng panahon, sino ang nagdudugtong?
buhay ay isang bugtong.
Batang paslit, sa kalsada tumira
ang batang yagit, sa hirap lumaki
ubos na ba ang biyaya?
sino ba ang masisisi?
nasaan ba ang pag-asa?
sa kandungan ba ng api